Relasyong Guro-Magaaral sa Lente ng Pilosopiya ni St. John Baptist De La Salle: Basehan sa Pagbuo ng Balangkas ng Mentoring Program sa Antas Gradwado
Researchers
JOSEPH C. ANGGOT
Abstract
Ang pagkamit ng digri sa antas gradwado ay itinuturing na isang mahirap ngunit kapaki- pakinabang na paglalakbay, na nangangailangan ng matinding dedikasyon at epektibong suporta. Sa pag-aaral na ito, sinuri ang mentoring program ng College of Liberal Arts and Communication (CLAC) Graduate Studies ng De La Salle University-Dasmariñas upang makabuo ng isang substansyal at pilosopikal na balangkas na nakasandig sa edukasyunal na pananaw ni St. John Baptist de La Salle. Gamit ang deskriptibong-debelopmental na disenyo, textual analysis, at panayam, tinalakay ang relasyong guro-mag-aaral ayon sa Lasalyanong pilosopiya at ang kasalukuyang implementasyon ng mentoring program. Natuklasan na bagamat may mekanismo ang kasalukuyang programa, wala pa itong kongkretong balangkas at malinaw na modelo. Bilang tugon, binuo ang isang mungkahing mentoring program na naglalaman ng istruktura, layunin, yugto, at gampaning papel ng bawat kalahok batay sa idealismong pananaw ni La Salle. Inaasahang ang programang ito ay makatutulong sa akademikong pag-unlad ng mga gradwadong mag-aaral at magbibigay-diln sa makataong ugnayan sa pagitan ng mentor at mentee.