Ang epiko ay isa sa mga uri ng akdang pampanitikan na kabahagi ng araling pinag-
aaralan ng mga mag-aaral sa elementarya at sekundarya. Nariyan ang Biag ni Lam-ang ng mga
Ilokano, Bantugan ng Maranao, Bidasari at Indrapatra at Sulayman ng Magindanawan na
madalas mabasa sa mga teksbuk. Sa mga nabanggit na epiko, sinuri ng mananaliksik ang anda
ng pagiging epiko nito gamit ang Morphological Folk Tale Analysis ni Vladimir Propp,. Mula rito,
napag-alaman ng mananaliksik na ang Bidasari ay hindi maituturing na ganap na epiko. Ilan sa
mga anda ng pagiging epiko ang hindi makikita rito ay (1) hindi pagpapakita ng kabayanihan nito,
(2) paglalakbay ng bayani upang hanapin ang mahal niya sa buhay o taong papakasalan at
(3)pagsisimula ng bayani ng isang labanan. Lumalabas na ang Bidasari ay nalalapit bilang isang
fairy tale dahil nagpapakita ito ng mga anda ng nasabing uri ng akdang pampanitikan. Ngunit
dahil sa anyong patula nito, maituturing itong bilang isang tulang romansa. Patunay na lamang
din nito na ang takbo ng kwento nito\'y binatay sa istorya ng tulang romansang Malay na may
kapareho ring pamagat.